INIULAT ng PHIVOLCS ang isang sunog sa damuhan sa Timog-kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island nitong Martes, Abril 1, 2025.
Unang nakita ang sunog bandang 11:24 ng umaga.
Dahil dito, mahigpit na mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan na sila sa disaster risk reduction and management councils ng lalawigan ng Batangas.
Noong Marso 3, 2023, at Mayo 2, 2024, ay mayroon nang nangyaring ganitong sunog sa Taal Volcano Island.
Sa ngayon, nananatili pa rin namang nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Follow SMNI News on Rumble