SINABI ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan na nila ang pagbibigay ng kahit isang dosis ng human papillomavirus (HPV) vaccine sa mga batang babae.
Praktikal ito para sa ahensiya upang makapagbakuna ng mas maraming batang babae at maabot ang mas maraming paaralan.
Binigyang-diin lang ng ahensiya na isinaalang-alang pa nila ang regulasyon hinggil dito upang matiyak na hindi maisasakripisyo ang bisa ng HPV vaccine sa pamamagitan ng paglipat sa isang dosis lamang.
Kung magiging matagumpay ang pag-aaral nila, ituturok ang one-dose vaccination sa mga Grade 4 at Grade 5 na babaeng estudyante.
Sa kasalukuyan, itinuturok ang dalawang dosis ng bakuna sa mga babaeng estudyante edad siyam na taong gulang.
Follow SMNI News on Rumble