Tulfo sinuyod sa inspeksiyon ang Cebu Int’l Airport dahil sa umano’y banta ng ‘tanim-bala’

Tulfo sinuyod sa inspeksiyon ang Cebu Int’l Airport dahil sa umano’y banta ng ‘tanim-bala’

NOONG Abril 3, bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, nagsagawa si Sen. Raffy Tulfo ng inspeksiyon sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) kasunod ng isang insidente ng hinihinalang “tanim-bala.”

Ito ay nang matuklasan ang apat na bala sa bagahe ng isang 47-anyos na pasahero na dumaan sa security screening noong Marso 27.

Ayon kay MCIA General Manager Julius Neri Jr., nasunod naman ang mga security protocols at walang naganap na tanim-bala.

Inamin ng babaeng pasahero na siya ang nagmamay-ari ng mga balang natagpuan sa kaniyang bag at wala siyang inakusahan na mga miyembro ng OTS na nangikil sa kaniya.

Pinatunayan ng mga CCTV footages na walang maling nangyari sa insidente at nasunod ang lahat ng protocol. Dagdag pa, may mga obligadong video recordings sa bawat insidente upang masiguro ang transparency.

Sa kaniyang inspeksiyon, pinanood ni Sen. Tulfo ang aktwal na proseso ng pag-scan ng mga bagahe, at ipinaliwanag ng mga airport officers kung paano nila inii-screen ang mga pasahero.

Nakipag-demonstasyon din si Sen. Tulfo kung paano lumalabas ang mga kontrabando, gaya ng bala, sa X-ray machines.

Pinuri ni Sen. Tulfo ang mga best practices na nakita niya sa MCIA, lalo na sa airport security at passenger safety, at iminungkahi niyang ipatupad din ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble