MAHIGIT 1K na special permits ang ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampasaherong bus ngayong Semana Santa.
Ang mga bus ay mula sa Metro Manila patungo sa iba’t ibang destinasyon sa mga probinsiya. Mula Abril 13–26, 2025 naman ang bisa ng special permits.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang pag-isyu ng special permits ay nagpapahintulot sa mas maraming pampublikong sasakyan na makabiyahe sa labas ng kanilang regular na ruta ngayong dagsa ang mga biyahero.
Follow SMNI News on Rumble