BALIK aksiyon na si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks nitong Martes, Abril 8, 2025 matapos hindi naglaro ng isang beses dahil sa tendinopathy sa kanyang kaliwang balikat.
Ang naturang pagbabalik ng two-time MVP ay laro ng Bucks sa pagitan ng Minnesota Timberwolves.
Si Antetokounmpo ay kasalukuyang pumapangalawa sa NBA sa scoring at ika-anim naman sa rebounding.
Samantala, kasama ring nagbabalik ni Giannis sa naturang laro ay si Bobby Portis matapos ang 25-game suspension dahil sa pagpositibo ng painkiller na tramadol.
Ang tramadol ay ilegal na gamitin ng mga atleta tuwing mayroong kompetisyon.
Follow SMNI News on Rumble