NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 4 kilo o katumbas ng P28M halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Antonio, Paranaque City.
Nasawi ang isa sa mga suspek habang tatlo pa ang naaresto, ngunit apat na tauhan ng PDEA ang sugatan sa nasabing operasyon nitong Miyerkules, Abril 9, 2025.
Bukod sa mga droga, nakuha rin sa mga suspek ang isang sasakyan, cellular phones, buy-bust money, identification cards, drug paraphernalia, isang armas, mga bala, at iba pa.
Agad na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek, habang kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga sugatang tauhan ng PDEA.
Follow SMNI News on Rumble