NAGLABAS ang China ng babala para sa kanilang mga kababayan hinggil sa panganib sakaling bibyahe patungong Estados Unidos.
Ayon sa Ministry of Culture and Tourism, pinaalalahanan nito ang mga turistang Chinese na suriin ang mga panganib ng paglalakbay sa Estados Unidos.
Dahilan ng babala ang kasalukuyang paglala ng relasyong pang-ekonomiya at kalakalan ng China at US.
Kasama na rin sa sanhi ng pagbibigay babala ang sitwasyon ng seguridad sa loob ng Estados Unidos.