UNTI-unting lumalakas ang boses ng taga-Bukidnon—lalo na ng mga magsasaka.
Sa serye ng mga townhall meeting sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya, maraming kinatawan ng mga grupo ng magsasaka at mga indibidwal ang nagpahayag ng matibay na suporta para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga kandidato ng PDP-Laban.
“‘Yung mga mahirap katulad ko, sana’y makaboto tayo kay Pastor Quiboloy at kay Tatay Digong Duterte (slate) dahil mas magaan ang pamumuhay noon kumpara ngayon na sobrang taas na ng mga presyo ng mga bilihin,” ayon kay Leonie Tutor, magsasaka.
Anila, hindi makatarungan ang napakababang bentahan ng palay ngayon. Binibili anila ng traders ang kanilang produkto ng napakamura, pinopondo, at tsaka pa binibenta kung mataas na ang demand sa merkado.
“Ngayon, naranasan namin ang matinding pagbagsak ng presyo ng palay. Walang katarungan, walang balanse. Ang abono at kemikal, sobrang mahal kaya’t ang mga palay namin, binibili na lang sa halagang 15, 14. Kami pong mga magsasaka, lalo kaming naghihirap, kawawa naman kami,” ayon kay Nilo Taghap, Representative, Farmer Irrigators.
Sa katunayan, noong nakaraang taon, ang Pilipinas ang numerong unong rice importer sa buong mundo kahit napakalawak ng lupang sakahan sa bansa.
Kaya naman isa sa mga plataporma ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay ang Philippine Food Enhancement Act na naglalayong tugunan ang problemang ito. Kasama rin dito ang pagbibigay ng kapital sa mga magsasaka para sa tractors at fertilizers para mapalago ang kanilang produksiyon.
“Bilang kinatawan ng mga magsasaka, kami po ay umaasa kay Sir Quiboloy dahil ikaw ang aming magiging senador. Sa darating na halalan, ipaglalaban ka namin. Ipaglalaban namin ang PDP-Laban dahil ito na ang pagkakataon namin bilang mga magsasaka upang makamit ang tagumpay para sa aming pamilya at sa aming kabuhayan bilang mga magsasaka sa hinaharap,” ani Taghap.
Sa mga pagtitipong ito, mismong mga magsasaka mula sa iba’t ibang sektor—palay, mais, gulay, prutas, at hayop—ang nagsalita at nagpahayag ng suporta.
“Ang masasabi ko kay Pastor Quiboloy, isa talaga siyang tunay na taga-suporta, lalo na sa mga magsasaka,” wika ni Fatima Duñez, magsasaka.
PDP-Laban Rally sa Kibawe, Bukidnon tuloy sa kabila ng pagkawala ng kuryente
Samantala, kinaharap ng campaign rally sa Kibawe, Bukidnon ang ilang hamon. Nawalan kasi ng kuryente sa lugar, dahilan para hindi magamit ang mga sound system at mga mikropono.
“Kapag ganito na naputulan ng kuryente o aberya. If you have to deliver a good message we have to deliver although nay challenges,” pahayag ni Atty. Basilito Robles, Vice Mayoral Candidate ng Kibawe, Bukidnon.
Walang naging hadlang sa pagpapahayag ng mensahe ng pagkakaisa at suporta para sa mga senador na inindorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Ang importante kasi ang pipiliin ng mga tao ‘yung ang adbokasiya first and foremost ‘yung pang peace and order. Kasi peace and order comes the growth of the nation,” dagdag ni Robles.
Mula pagdududa hanggang suporta: Pastor Quiboloy tinatanggap ng masa sa bukidnon
Samantala, hindi natitinag si Serjohn Panis, tumatakbong alkalde sa Kibawe, sa kaniyang pagsuporta kay Pastor Quiboloy sa kabila ng mga kontrobersiya at negatibong balita laban sa kaniya.
“Wala akong masasabi kay Pastor Quiboloy kasi na-manage niya ang KOJC nang maayos at maganda ang serbisyo. Kaya hindi natin pwedeng ipikit ang ating mata at hindi siya isali. Kasi ngayong Mayo 12, ang pinaka-importanteng boto talaga ay 9-0 para sa mga senador ng PDP-Laban. Paano natin susuportahan ang gusto nating maging presidente kung may iiwan tayo sa PDP-Laban? Kaya full support po ako kay Pastor Apollo Quiboloy,” ayon kay Serjohn Panis, Vice Mayoral Candidate ng Kibawe, Bukidnon.
Aminado ang ilan na dati ay may agam-agam sila kay Pastor Quiboloy dahil sa mga negatibong balita sa mainstream at social media.
Ngunit matapos nilang marinig nang direkta ang mga plataporma, adbokasiya, at mga nagawa ng butihing Pastor para sa bansa—lalo na sa larangan ng agrikultura’t seguridad sa pagkain—nagbago ang kanilang pananaw.
“Narinig natin ang panig ni Pastor Quiboloy. Hindi sa relihiyon ang kanyang ipinaglalaban, ang kanyang ipinaglalaban ay ang ating bansa sa Pilipinas. Sa totoo lang, at sa ating nakikita sa paligid at sa social media, ito ay salungat sa ating nakikita. Tingnan ninyo ang harassment na unang ginawa kay Pastor, tapos kay Tatay Digong. Kaya ang ginagawa natin ngayon ay hindi para sa kanyang sarili o para sa kanyang simbahan, kundi para sa ating mga mamamayan sa Pilipinas. Kaya dito sa Bukidnon, tayo’y magsasama at tatayo. Atin ‘to,” ayon kay Keith Ryann Ucang, magsasaka.
“Kaya ngayon, dahil narinig namin kung ano siya, kung ano ang kanyang pinagmulan, at kung ano ang kanyang naidulot at naipagkaloob sa mga tao sa buong bansa ng Pilipinas. Kaya, bakit hindi subukan siya? Kailangan natin ng mga pagbabago, kailangan natin ng mas magagaling at mabuting lider para sa bansa ng Pilipinas. Nakita ko na maaari siyang maging isang mahusay na lider tulad ni Tatay Digong,” ani Rosel Oro, magsasaka.
Follow SMNI News on Rumble