NASA limampu’t dalawang porsyento ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap batay sa resulta ng Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Katumbas ito ng labing apat punto apat na milyong pamilya at mas mataas ito kumpara sa labing apat punto tatlong milyon noong Pebrero.
Naitala sa Visayas ang pinakamaraming nagsasabing sila ay mahirap na nasa 62%.
Sinundan ito ng Mindanao na may 60%; balance Luzon na may 43%; at Metro Manila na may 41%.
Lumabas din sa naturang survey na 27.2% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o hindi nakakain ng hindi bababa sa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Ang survey ay isinagawa noong marso a-kinse hanggang a-bente na mayroong 1,800 respondents.