ITINAAS na rin ng Philippine Red Cross sa high alert ang kanilang operasyon para sa Semana Santa.
Nagpadala na rin sila ng mahigit 2K tauhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa loob ng 10 araw nilang operasyon na nagsimula noong April 12, nagpakilos ang PRC ng 1,840 volunteers at 313 na mga staff para sa kanilang 375 first aid stations at 137 welfare desks sa buong bansa.
Ayon naman sa PRC, para sa agarang tugon, maaaring tumawag ang publiko sa pamamagitan ng kanilang emergency hotline No. 143.
Follow SMNI News on Rumble