NAKARATING na sa London, United Kingdom ang delegasyon ng Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) College of Law.
Ito’y upang makipagtagisan sa prestihiyosong Price Media Law Moot Court Competition sa University of Oxford mula ngayong araw, Abril 21 hanggang 25, 2025.
Ang JMCFI team ay binubuo ng oralists na sina John Rey Codilla at Jemimah Ganancial; at researchers na sina Eryel Comania at Prince Lloyd Depalubos sa pangunguna ng kanilang coach na si Atty. Gretchen Cañedo at team manager Asst. Dean Atty. Resci Angelli Rizada.
Sa kanilang unang pagsabak sa kompetisyong ito, agad nang gumawa ng ingay ang JMCFI—dahil direktang nakapasok sila sa international final round.
Sila ay isa sa tatlong paaralan mula sa Pilipinas na nakarating sa round na ito.
Lubos naman ang kanilang pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang nagtatag ng paaralan para sa oportunidad na ito at sa buong JMCFI community para sa walang sawang suporta.