Isang suspek sa pagkamatay ni Anson Que suspek din sa pagdukot ng tauhan ni Alice Guo

Isang suspek sa pagkamatay ni Anson Que suspek din sa pagdukot ng tauhan ni Alice Guo

SANGKOT din sa pagdukot at panggagahasa sa finance officer ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang Chinese national na si David Tan Liao, na una nang nakulong kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa Fil-Chinese businessman na si Anson Que.

Ayon sa Philippine National Police, isa lang ito sa limang krimen na kinasasangkutan ni Liao.

Sumuko si Liao noong Abril 19, habang ang dalawang Pilipinong kasabwat umano niya sa kaso ni Que ay naunang inaresto sa Palawan noong Abril 18.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble