Silent Sanctuary maglalabas ng bagong single ngayong Abril

Silent Sanctuary maglalabas ng bagong single ngayong Abril

ILALABAS na ng Filipino rock band na Silent Sanctuary ang kanilang bagong single na “Sagad” sa Abril 25, 2025.

Ito nga ang sinabi ng Silent Sanctuary sa isang kanilang official Facebook post sa pamamagitan ng Universal Records Philippines noong Abril 20.

Maririnig pa nga doon ang isang bahagi ng chorus ng kanta—na siguradong magpapakilig na naman sa fans!

Everyone is so excited na nga lalo’t ang huling music release ng grupo ay noong Oktubre 6, 2023 pa, sa pamamagitan ng kanilang EP na Kahimanawari.

Matagal nang kilala ang Silent Sanctuary sa kanilang signature style—ang pagsasama ng alternative rock sa classical instruments tulad ng violin at cello. At ngayong taon, masusubukan ulit ang kanilang musical magic.

Bukod sa bagong single, nakatakda rin silang bumiyahe sa United States ngayong Hunyo para sa isang music tour kasama ang singer na Maki.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble