Indian national na nakasagasa at nakapatay sa Bacolod City, pinalaya

Indian national na nakasagasa at nakapatay sa Bacolod City, pinalaya

NAKULONG nitong Abril 18 ang Indian national na si Jarpreet Singh matapos na makapatay ito ng anim katao at magtamo ng sugat ang nasa 17 indibidwal, nang araruhin ng minamaneho nitong Toyota Innova ang prusisyon ng Katolikong simbahan noong Biyernes Santo ng gabi sa Barangay Alangilan, Bacolod City, Negros Occidental.

Sa kabila nito, pinalaya na ng Bacolod City Police ang nasabing suspek matapos nitong makapagpiyansa ng halagang animnapung libong piso nitong Abril 22 ng gabi.

Ayon kay Police Major Joeil Reclamado, hepe ng Police Station 5 ng lungsod, ginawa na nila ang lahat upang masampahan ng kaso ang Indian national. Nasa dayuhan na umano kung haharapin nito ang isinampang reklamo sa korte kabilang ang reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to properties.

Dagdag pa rito ang paglabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drug Driving Act of 2013 matapos na magpositibo ito sa alkohol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble