ADMU at UP pinakamataas mula sa Pilipinas sa The Asia University Rankings

ADMU at UP pinakamataas mula sa Pilipinas sa The Asia University Rankings

NAKUHA ng Ateneo de Manila University at University of the Philippines ang pinakamataas na pwesto para sa mga pamantasan sa Pilipinas sa 2025 edition ng Times Higher Education o The Asia University Rankings.

Kapwa napabilang ang dalawang unibersidad sa 501-600 bracket ng rankings.
Maliban sa dalawa ay nasa 601+ bracket naman ang De La Salle University, Mapua University, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, at University of Santo Tomas.

Sinusuri ng The Asia University Rankings ang 852 na mga unibersidad mula sa 35 bansa at teritoryo sa Asya gamit ang mga performance indicators na sumusukat sa kahusayan sa pagtuturo, pananaliksik, paglipat ng kaalaman at pandaigdigang pananaw.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble