ISANG malaking karangalan para sa Office of the Vice President (OVP) na masaksihan ang tagumpay ni Elize—ang kauna-unahang Senior High School graduate mula sa programang You Can Be VP (YCBVP) ng tanggapan.
Si Elize ang ika-apat na benepisyaryo ng YCBVP Program, at naging bahagi sa opisyal na mga engagements ni Vice President Inday Sara Duterte sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Si Elize ay nagtapos ng With Honors at tumanggap ng Leadership Award—patunay ng kaniyang determinasyon at husay bilang isang kabataang Pilipino.
Ang YCBVP ay isang programa ng OVP na naglalayong linangin ang kakayahan at kaisipan ng ating mga kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa mga opisyal na mga engagements ng isang Bise Presidente.
Mabuhay ka, Elize! Patuloy kang maging inspirasyon sa mga kabataang Pilipino.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.