Pinoy Pride: Silvanas ng Pilipinas, pasok sa 2025 ‘50 Best Cookies in the World’ ng TasteAtlas

Pinoy Pride: Silvanas ng Pilipinas, pasok sa 2025 ‘50 Best Cookies in the World’ ng TasteAtlas

MANILA, Philippines — Isa na namang matamis na tagumpay para sa pagkaing Pilipino! Pinasok ng Silvanas, kilalang Filipino frozen cookie dessert, ang 2025 listahan ng “50 Best Cookies in the World” ng prestihiyosong travel food guide na TasteAtlas.

Pasok ang Silvanas sa #29 spot sa buong mundo na may rating na 4.0, ayon sa inilabas na rankings nitong Abril 2025. Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang dessert na orihinal na nagmula sa Dumaguete City, kilala sa brand na Sans Rival Cakes & Pastries.

“Ang Silvanas ay hindi lamang dessert — ito ay isang simbolo ng galing at kultura ng pagkaing Pilipino,” ayon sa TasteAtlas.

Ang Silvanas ay binubuo ng crispy cashew meringue shells na pinaghihiwalay ng makapal na buttercream at binalot sa tinadtad na cashews — karaniwang inihahain ito ng frozen para sa perpektong kombinasyon ng malutong, malamig, at buttery na tamis.

Kasama ng Silvanas sa top 5 ng listahan ang:

Alfajores (Argentina)

Melomakarona (Greece)

Chocolate Chip Cookie (USA)

Stroopwafel (Netherlands)

Marranitos (Mexico)

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble