San Fernando, Bukidnon sawa na sa korapsiyon; Sigaw nila ‘Vote DuterTEN’ sa Mayo 12

San Fernando, Bukidnon sawa na sa korapsiyon; Sigaw nila ‘Vote DuterTEN’ sa Mayo 12

ILANG oras mang nakatayo sa kabila ng walang pangakong ayuda, hindi natinag ang mga mamamayan ng San Fernando, Bukidnon sa gitna ng init at ulan para lang makinig sa mga plataporma ng mga lokal na kandidato na tumatakbo sa kanilang lugar kasama na ang DuterTEN senatoriables sa ilalim ng partido ng PDP-Laban.

Sa pangunguna ng tumatakbo sa pagka-alkalde sa San Fernando na si dating Mayor Levi Edma Sr. at Bukidnon gubernatorial candidate na si Valencia City Mayor Azucena Huervas, umaasa ang mga lokal na kandidato na maisasaayos ang sistema ng pamamahala sa tulong ng mga iniendorso ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa PDP-Laban.

“Kailangan nating i-help ‘yung inindorso niya. Suportahan talaga natin sila,” ayon kay Karen Yucang.

Binigyang-diin ng kinatawan at political officer ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng taumbayan upang sama-samang maisaayos ang Pilipinas sa pamamagitan ng masusing pagpili ng mga ihahalal sa posisyon sa darating na Mayo 12.

Ang mga taga-San Fernando, pagod na rin anila sa korapsiyon kaya para sa kanila, “Vote straight DuterTEN.”

“’Di lang din sa lokal na mga kandidato, of course, sa buong PDP-Laban, sa buong grupo ni former President Duterte. Kasi alam namin na nasa kanila ang buong pagbabago,” ayon kay Irish Dignadisi, Scholar ni Pastor Apollo Quiboloy.

 

Ayon kay Irish, todo-suporta siya sa lahat ng PDP-Laban senatoriables, lalo na kay Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang tumulong sa kanya upang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Davao City bilang varsity scholar sa Jose Maria College Foundation Inc.

“Malaking bagay ‘yung scholarship ni Pastor Quiboloy sa amin knowing na ‘di namin kaya ang tuition na makapagtapos kami sa college level,” saad ni Irish Dignadisi.

Samantala, sa kabila ng mainit na pagtanggap ng mga mamamayan sa DuterTEN senatoriables, banta pa rin anila ang dayaan sa nalalapit na halalan.

“’Yung support ko sa mga Duterte palagi ‘yon. Tsaka ‘yung sa kanyang mga senador. Mag-ingat para ‘di tayo madaya. Tingnan natin ‘yung PCOS machines nila baka may daya,” ani Levi Edma Sr., Mayoralty Candidate, San Fernando, Bukidnon.

“Pero inaasa ko na walang imposible sa Panginoon,” ayon kay Valencia City Mayor Azucena Huervas, Gubernatorial Candidate, Bukidnon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble