DA, pansamantalang ititigil ang pagbebenta ng ₱20/Kilo na bigas hanggang matapos ang election period

DA, pansamantalang ititigil ang pagbebenta ng ₱20/Kilo na bigas hanggang matapos ang election period

MAYNILA – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na pansamantalang ititigil ang pagbebenta ng ₱20 kada kilo na bigas, alinsunod sa ayuda ban ng Commission on Elections (COMELEC) para sa halalan ngayong 2025.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng pagsunod ng ahensya sa 10-araw na election-related aid prohibition, upang maiwasan ang paggamit ng naturang proyekto para sa politikal na layunin o pangangampanya.

Ang suspension ay tatagal hanggang matapos ang election period ngayong taon. Ayon sa COMELEC, sakop ng aid ban ang anumang distribusyon ng libreng ayuda, suplay, at subsidized goods mula sa pamahalaan maliban kung may espesyal na exemption.

Nitong Mayo 1, 2025, sa unang araw ng pilot implementation ng proyekto sa Cebu, umabot sa mahigit 500 sako ng bigas ang inilabas ng National Food Authority (NFA) at DA para sa mga piling benepisyaryo bago ipinatupad ang pansamantalang tigil.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble