Jay Sonza: Kabuhayan ng mga manggagawa walang pagbabago sa ilalim ng gobyernong Marcos Jr.

Jay Sonza: Kabuhayan ng mga manggagawa walang pagbabago sa ilalim ng gobyernong Marcos Jr.

SA kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumarami ang mga dayuhang nais mamuhunan sa bansa, ay ramdam pa rin ng marami ang kawalan ng konkretong resulta mula sa kasalukuyang gobyerno.

Noong 2022, sinabi ni Marcos Jr. na gumaganda na ang investment climate sa bansa at sa kada uwi niya mula sa mga foreign trip, dala-dala niya ang parehong mensahe.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maupo sa puwesto si Marcos Jr., pero ayon sa taumbayan—puro lang ito sa salita, pero kulang na kulang naman sa gawa.

Ayon kay veteran broadcaster Jay Sonza, hindi naman nararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang mga ipinagmamalaking tagumpay ni Marcos Jr.

Wala anila malinaw na pagbabago sa kabuhayan ng mga manggagawa, at wala ring konkretong patunay na may pumapasok ngang puhunan mula sa labas ng bansa.

“’Yan ang problema natin. Kahapon narinig ko na naman ang presidente sabi niya, malapit sa puso ko ang uring manggagawa… you are concerned with us but you are not showing any,” ayon kay Jay Sonza, Veteran Broadcaster.

Dahil dito, malaking bagay, aniya, ang mga townhall meetings at rallies ng mga senatorial candidate ng PDP-Laban dahil direktang naipapaabot ng taumbayan ang kanilang mga suhestyon o hiling sa mga pambato ng Duter10 Senate Slate, lalo na kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Jay Sonza: Mga plataporma ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy, detalyado

Ayon pa kay Sonza, naka-ready na ang mga panukalang batas ni Pastor Apollo Quiboloy na agad isusulong sakaling maupo siya sa Senado, lalo na sa sektor ng agrikultura.

“Naka-ready na ‘yan, naka-ready na ‘yung mga panukalang batas ni Pastor… magtatanim ng iba’t ibang gulay sa iba’t ibang nayon sa bansa,” ani Sonza.
Sabi pa ni Sonza, ang pagkakaiba ni Pastor Quiboloy sa ibang mga kandidato.

“So, these are the things na tangible—nakikita mo… asahan po namin ‘yan sa loob ng anim na taon na paglilingkod niyo,” aniya.

Sa kasalukuyang panahon na kabi-kabila ang isyu ng katiwalian sa gobyerno, maraming Pilipino ang umaasa sa bagong mukha ng pamumuno—isang lider na may konkretong plano, may malasakit sa taumbayan, at may paninindigan laban sa korapsiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble