MAAARING sakupin ng Israel ang Gaza Strip at kontrolin ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng pinalawak na opensiba laban sa Hamas.
Ito’y matapos aprubahan ng Security Cabinet ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang naturang hakbang.
Hindi pa isasagawa ang opensiba hangga’t hindi natatapos ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Middle East sa susunod na linggo.
Nagsimula ang digmaan nang inatake ng Hamas ang Israel noong October 2023 kung saan 1.2K katao ang nasawi, karamihan ay sibilyan.
Simula noon, rumesbak ang Israel sa Gaza at mahigit 52K Palestinians na ang nasawi.