MATAPANG na nagpahayag si Kapitan Allan Simoag mula sa Ikalawang Distrito ng Davao kaugnay ng kasalukuyang administrasyon.
Aniya, matapos ang lahat ng naitulong ng pamilya Duterte—kabilang na ang pagpapalibing sa ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.—tila hindi maganda ang naging tugon ng administrasyon bilang ganti sa mga ito.
Hinimok din ni Kap. Simoag ang buong komunidad na ibuhos ang suporta sa mga DuterTEN candidates, na aniya’y may tunay na malasakit sa bayan.
Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa patuloy at buong tapang nitong paninindigan para sa katarungan.
Ayon sa Kapitan, hindi kailanman natinag si Pastor Quiboloy sa kabila ng mga pang-aabuso ng administrasyon at nanatiling matatag para sa katotohanan at kapakanan ng mamamayan.
Bilang panawagan, hinikayat ni Kap. Simoag ang taumbayan na iboto ang buong DuterTEN candidates, lalo na si Pastor Quiboloy, na napatunayang hindi nang-iiwan at may layuning maghatid ng tunay na pagbabago sa bansang Pilipinas.