Ugnayan ng Pilipinas at Qatar mas pinapalakas

Ugnayan ng Pilipinas at Qatar mas pinapalakas

MAS pinapalakas ngayon ng Pilipinas at Qatar ang kanilang ugnayan sa larangan ng politika at ekonomiya.

Ito ang naging laman sa ginawang 2nd Joint Consultation Meeting on Political Matters sa Department of Foreign Affairs (DFA) office nitong Miyerkules, Mayo 7, 2025.

Maliban pa rito ay natalakay rin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya, depensa, kalusugan, edukasyon, kabataan, sports, at turismo.

Pagkatapos ng pagpupulong, nilagdaan na rin ng dalawang panig ang isang aide memoire.

Nagpapatibay ito sa kahandaan ng magkabilang panig na higit pang paigtingin ang bilateral na relasyon at nagtatalaga ng mga kongkretong hakbang upang maisakatuparan ang umiiral na mga kasunduan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble