Lalaki nahuli sa Marikina matapos magpakalat ng tabloid laban kay Marcy Teodoro

Lalaki nahuli sa Marikina matapos magpakalat ng tabloid laban kay Marcy Teodoro

ISANG lalaki nga ang nahuli ng mga owtoridad sa Marikina dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon sa isang concerned citizen, umiikot ang lalaki sakay ng isang motorsiklo at hinahagis ang isang tabloid na may headline na disqualified na sa pagtakbo sa eleksiyon si Marikina congressional candidate Marcy Teodoro.

Sa Facebook post ng concerned citizen na si Eric Krister Nicolas Songcuan, nasa 20 umano itong riders na dineploy sa Marikina para ikalat ang tinawag niyang fake tabloid.

Pero hindi ito pinalampas ng mga tanod ng Barangay Jesus dela Peña, na agad nagsagawa ng aksiyon para mahuli ang nasabing lalaki.

“Ano po siya, nagpapamigay po siya ng parang diyaryo at ang nakalagay po doon ay maling balita po. Tapos po ginagawa po noon ay bahay-bahay, inilalagay sa bawat bahay po yung mga paraphernalia nila. At noong nakita po ng aking mga tao, yung mga tanod, ayun po, nahuli po siya,”ayon kay Roset Tarangka Sarmiento, Chairman, Barangay Jesus dela Peña, Marikina City

Sumulat naman ang lalaki na kinilalang si Marvin Bacaycay para humingi ng tawad kay Mayor Teodoro.

Ngunit sa kabila ng kaniyang paghingi ng tawad, ipapakulong pa rin daw ito ng barangay upang magsilbing leksiyon, kasama na ang kaniyang asawa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble