BIBIDA ang South Korean actor na si So Ji-sub sa isang bagong action series na Mercy for None.
Sa seryeng ito, gagampanan ni Ji-sub ang papel ni Ki-jun, isang kilalang kriminal na tumalikod sa ganoong klaseng buhay ngunit napilitang bumalik matapos mamatay ang kanyang kapatid.
Nakilala si Ji-sub sa mga K-drama tulad ng Memories of Bali, Master’s Sun, Oh My Venus, at My Secret Terrius.
Ipinasilip ng Netflix sa viewers ang teaser ng seryeng ito na nagpapakita ng paghahanap ni Ki-jun sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kaniyang kapatid habang hawak ang kanyang signature weapon na baseball bat.
Naglabas din ang Netflix ng isa pang teaser poster na nagpapakita naman kay Ki-jun na duguan sa isang eskinita at napapalibutan ng mga kalaban nito na nakahandusay sa sahig.
Kaabang-abang ‘di ba? Kaya naman fans, mark your calendars na dahil maaari mo na itong mapanood sa Netflix ngayong June 6!