NAITALA malapit sa Greece ang isang 6.1 magnitude na lindol madaling araw nitong Miyerkules, May 14, 2025.
Batay sa record ng United States Geological Survey, nangyari ito halos 30 milya sa timog-silangan ng Kasos.
Dahil sa naturang pagyanig, pinag-iingat ang mga Greek sa posibleng epekto ng lindol gaya ng pagkakaroon ng tsunami, ayon sa Greek Emergency Management.
Hindi naman bihira para sa Greece ang magkaroon ng mga lindol dahil matatagpuan dito ang napakaraming fault lines.