Victory motorcade ni Malvar Batangas Mayor-elect Art Abu mainit na sinalubong

Victory motorcade ni Malvar Batangas Mayor-elect Art Abu mainit na sinalubong

 

MAINIT na sinalubong ng mga taga-Malvar, Batangas si Mayor-elect Art Abu sa kaniyang victory motorcade bilang pasasalamat sa tagumpay nito sa halalan nitong Mayo 12.

Kasama ng bagong halal na alkalde ang kaniyang buong team sa pag-iikot sa buong bayan ng Malvar upang personal na magpasalamat sa mga sumuporta sa kaniya.

Tinalo ni Abu si dating Mayor Cristeta Reyes na mahigit dalawang dekada ring nanilbihan, sa botong 16,338 laban sa 15,576.

Bago pasukin ang politika, nagsilbi si Mayor-elect Abu bilang Admiral ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble