Bulkang Taal sa Batangas nagkaroon ng 21 volcanic earthquakes

Bulkang Taal sa Batangas nagkaroon ng 21 volcanic earthquakes

NAGKAROON ng 21 volcanic earthquakes kabilang na ang 4 na volcanic tremors ang Bulkang Taal sa Batangas.

Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Mayo 15, 2025.

Sa kabila nito ay nanatili pa ring nasa Alert Level 1 ang bulkan.

Ang Bulkang Kanlaon naman sa Negros Islands na nasa Alert Level 3 ay nagkaroon ng anim na volcanic earthquakes.

Samantala, ang Bulkang Mayon sa Albay ay nagkaroon ng dalawang rockfall events habang ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ay nagkaroon ng 13 volcanic earthquakes.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble