WALA pang ni isang ballot box ang tuluyang natapos sa random manual audit (RMA) o mano-manong bilangan, as of 12:00 nn.
Batay sa monitoring ng Commission on Elections (COMELEC), nasa 159 ballot boxes na ang dumating sa kanilang RMA Center mula sa mahigit 700 inaasahang ballot boxes.
Sa bilang na ito, 59 ballot boxes pa lamang ang kasalukuyang pinoproseso ng mga audit team.