60K HIV patients sa South Africa apektado ng pagsasara ng clinics sa bansa

60K HIV patients sa South Africa apektado ng pagsasara ng clinics sa bansa

NAWALAN ng trabaho ang higit 8K health workers sa HIV program ng South Africa.

Dahil ito sa pagsasara ng 12 special HIV clinics sa kanilang bansa kung saan tinatayang nasa 60K pasyente naman ang apektado sa hakbang.

Bilang resulta na rin ito sa pagbuwag ng administrasyon ngayon ni US President Donald Trump sa United States Agency for International Development (USAID).

Sa ulat, ang USAID ang nagpapatakbo at nagbibigay pondo sa naturang mga clinic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble