NAKATAKDANG ipalabas ng Pinoy pop rock band na The Juans ang isang special music video para sa kanilang newest single na ‘Ano ba talaga tayo?’
Sa katunayan, ilalabas na ito ngayong araw, Mayo 16, 2025, 9:00 ng gabi.
Ang special music video ay pagbibidahan nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.
Kaugnay rito ay magkakaroon ng special screening ang short film sa ‘jam’ gig ng The Juans sa kaparehong araw sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Ang ticket prices ay nasa P1,200 hanggang P3,745 pesos.
Ang ‘Ano ba talaga tayo?’ ay ini-release noong Abril 25.