P23.8M nakumpiskang ilegal na droga sa Bacolod

P23.8M nakumpiskang ilegal na droga sa Bacolod

ARESTADO ng pulisya ang dalawang suspek sa Bacolod City matapos nakumpiska sa kanila ang nasa P23.8M na halaga ng ilegal na droga.

Sa magkahiwalay na operasyon nitong Mayo 18, nakuha sa isang suspek sa Brgy. Estefania, bandang 2:15 ng madaling araw ang nasa 2.5K gramo ng hinihinalaang shabu.

Nagkakahalaga ito ng P17M.

Bandang 3:52 ng madaling araw ay naaresto naman ang ikalawang suspek.

Nasa 1K gramo ang hinihinalaang shabu na nakuha rito at nagkakahalaga ng P6.8M.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble