BALIK-eskwela na ang ilang estudyante sa unang araw ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa National Capital Region (NCR).
Nasa kabuuang 28 paaralan sa NCR ang kabilang sa 177 pampublikong paaralan na kasali sa pilot face-to-face classes ngayong araw.
Ito’y matapos pumasa sa strict evaluation at assessment ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Kabilang sa mga paaralan para sa face-to-face classes ang Pedro Cruz Elementary School sa San Juan City.
Nasa 87 estudyante mula kinder hanggang Grade 3 ng nasabing paaralan ang kalahok sa unang araw ng face-to-face classes.
Ang Pedro Cruz Elementary School ang natatanging eskwelahan sa San Juan City na kasali sa pilot run sa NCR matapos ang strict assessment ng Deped at DOH.
Dumaan ang lahat ng estudyante sa health protocols.
Ang mga estudyante ay naglakad lang papasok sa eskwelahan kasama ang mga magulang o guardian dahil majority sa mga estudyante ay nakatira lamang sa palibot ng paaralan.
Magkakaroon ng 15 minutong agwat para sa mga mag-aaral na papasok sa eskwelahan upang maiwasan ang pagsisiksikan sa gate ng paaralan.
Sa entry points pa lamang, dadaan ang mga estudyante sa temperature check, health declaration at hand sanitation facility.
May mga signage at personnel na magpapaalala sa estudyante na magsuot ng face mask at sundin ang social distancing.
Sa loob ng classrooms, may plastic barriers ang bawat upuan, ceiling fans ang ginamit sa halip na aircon.
Nakabukas ang bintana para sa mas maayos na ventilation.
Ang mga klase ay tatagal lamang ng 3 oras para sa kinder, at 4 na oras para sa Grade 1-3.
Naglagay din ng hand sanitation area sa loob ng eskwelahan kung saan maghuhugas ng kamay ang mga estudyante bago at pagkatapos ng klase.
May holding at isolation areas at clinic ang paaralan para sa mga magkakaroon ng sintomas.
May naka-stand by din na medical team ng paaralan at ng barangay.
Ininspeksyon ni Usec. Wildredo Cabral ang unang araw ng face to face classes sa Pedro Cruz Elementary School.
Narito ang mga eskwelahan para sa face-to-face classes sa NCR:
Andres Bonifacio Elementary School – Caloocan City
Bagumbong Elementary School – Caloocan City
Comembo Elementary School – Makati City
Santiago Syjuco Memorial Integrated Secondary School – Malabon City
Amado T. Reyes Elementary School – Mandaluyong City
Renato R. Lopez Elementary School – Mandaluyong City
Aurora A. Quezon Elementary School – Manila City
Ramon Q. Avancena High School – Manila City
St. Mary Elementary School – Marikina City
Tañong High School – Marikina City
Putatan Elementary School – Muntinlupa City
Tunasan National High School – Muntinlupa City
Bangkulasi Senior High School – Navotas City
Filemon T. Lizan Senior High School – Navotas City
Don Galo Elementary School – Parañaque City
La Huerta Elementary School – Parañaque City
Padre Zamora Elementary School – Pasay City
Ugong National High School – Pasig City
Pasig Elementary School – Pasig City
Bagong Silangan Elementary School – Quezon City
Payatas B Elementary School – Quezon City
Pedro Cruz Elementary School – San Juan City
Ricardo P. Cruz, Sr. Elementary School – Taguig City
Sen. Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science & Technology High School – Taguig City
Roberta De Jesus Elementary School – Disiplina Village Bignay Extension – Valenzuela City
Tagalag Elementary School – Valenzuela City
Las Piñas National High School – Las Piñas City
National Senior High School – Manuyo Campus – Las Piñas City