VP Sara Duterte: Mensahe para sa Araw ng Hukbong Dagat ng Pilipinas

VP Sara Duterte: Mensahe para sa Araw ng Hukbong Dagat ng Pilipinas

BINIGYANG-pugay ni VP Sara Duterte ang Sandatahang Lakas bilang matatag na haligi at tagapagtanggol ng karagatan sa loob ng maraming dekada.

Sa araw na ito, buong puso nating parangalan at pasalamatan ang Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Sa maraming dekada ng inyong paglalayag, kayo ay nananatiling matatag na haligi ng Sandatahang Lakas at matapang na tagapagtanggol ng ating karagatan.

Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo at sa walang sawang pagmamahal sa bayan—lalo na sa inyong tungkuling pangalagaan ang ating teritoryo laban sa anumang banta sa seguridad.

Bilang huwaran ng disiplina, dedikasyon, at dangal, kayo ang patuloy naming inspirasyon sa pagtindig at paglilingkod para sa kapayapaan at kalayaan ng ating bansa,” mensahe ni Vice President Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble