Kita ng ‘Final Destination: Bloodlines’ sa Pilipinas umabot na ng higit P189M

Kita ng ‘Final Destination: Bloodlines’ sa Pilipinas umabot na ng higit P189M

UMABOT ng mahigit P189M ang kita ng ‘Final Destination: Bloodlines’ sa kanilang opening weekend sa Pilipinas.

Sa katunayan, ang Pilipinas ang ikatlong international market ng naturang pelikula na may mataas na kita kasunod ng Mexico at Brazil ayon sa Hollywood Entertainment News na Deadline.

Ang ‘Final Destination: Bloodlines’ ay inilabas noong Mayo 14, 2025.

Kasama sa mga bida rito ay ang half Pinoys na sina Kaitlyn Santa Juana at Teo Briones na gumanap bilang magkapatid sa pelikula.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble