Kasalukuyang pinuno ng Hamas posibleng napatay na—Israeli PM

Kasalukuyang pinuno ng Hamas posibleng napatay na—Israeli PM

POSIBLENG napatay na ng Israel ang lider ng Hamas militant group na si Mohammed Sinwar ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Si Mohammed ang kasalukuyang pinuno ng militanteng grupo matapos niyang palitan ang kaniyang napaslang na kapatid na si Yahya Sinwar noong Oktubre 2024.

Napaslang ang kaniyang kapatid dahil din sa nagpapatuloy na Gaza War.

Sa ngayon naman ay sinabi ni Netanyahu na target nilang kontrolin ang buong Gaza Strip.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble