NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) na mahigit 1.6 milyong tao araw-araw ang nagkakasakit dahil sa hindi ligtas na pagkain.
Sa kanilang paliwanag, nakukuha ang mga sakit sa pagkain na kontaminado ng bakterya, virus, parasite, o kemikal.
Karamihan sa mga apektado ay mga bata, matatanda, buntis, at mga may mahinang immune system.
Kaugnay nito, muling iginiit ng WHO ang kahalagahan ng wastong paghahanda, pagluluto, at pag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang foodborne diseases.