NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P1.6B para tugunan ang pagtaas ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.
Gagamitin ang pondo sa pagbili ng 13,000 finishers at 30,000 breeders sa ilalim ng Hog Repopulation Program.
Ayon sa Presidential Communications Office, layunin ng DA na makapagparami ng isang milyong finishers habang hinihintay ang mga bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Sa kabilang banda, sa monitoring noong Mayo 28, 2025, ang presyo ng pork ham sa Metro Manila ay nasa P350–P430 kada kilo.
Ang pork belly ay nasa P370–P480 kada kilo.