PANSAMANTALA munang ipinagpaliban ang 3 days National vaccination sa 11 rehiyon sa bansa bunsod ng bagyong Odette.
Kasama dito sa 11 rehiyon ang Bicol region, Mimaropa region, Visayas at Mindanao.
Inilipat naman ang nasabing bakunahan sa susunod na linggo o sa Dec.19 hanggang sa Dec. 22.
Habang magpapatuloy ngayong araw ang bakunahan sa Ilocos, CAR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.
Nakapukos rin ang pangalawang bahagi ng vaccination program ng pamahalaan sa mga lugar na may vaccination rate na mas mababa sa 50% ang fully vaccinated.
Kasama rito ang Nueva Ecija, Zambales, at Quezon upang himokin ang mas maraming tao na magpabakuna laban sa COVID-19.