NAKIPAGTULUNGAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pribadong delivery service firm para tugunan ang ilegal na bentahan ng droga online.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng PDEA at ng kompanya nitong Hunyo 11, 2025.
Sa napagkasunduan, hihimukin ng Flash Express Philippines ang kanilang accredited delivery service drivers na i-report sa PDEA ang anumang kahina-hinalang package na kanilang dala.
Ipinangako na rin ng nabanggit na delivery service firm na hindi magiging sangkot ang kanilang delivery drivers sa posibleng kalakalan ng ilegal na droga.