Alex Eala, pasok sa Quarterfinals ng 2025 Lexus Ilkley Open sa England

Alex Eala, pasok sa Quarterfinals ng 2025 Lexus Ilkley Open sa England

WALANG kahirap-hirap na tinalo ni Alex Eala ang Swiss na si Valentina Ryser, 6-1, 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng 2025 Lexus Ilkley Open kahapon sa England.

Si Eala, ang top seed ng torneo at kasalukuyang WTA No. 77, ay dominante sa laban, na tinapos sa loob lamang ng 68 minuto. Ito ang kanyang ikalawang sunod na straight-set win matapos ang mas dikit na 7-6(4), 6-3 na panalo kontra Fil-Australian na si Lizette Cabrera noong unang round.

Sa susunod na laban, haharap si Eala sa pagitan nina Emily Appleton ng Great Britain o No. 8 seed Rebecca Marino ng Canada para sa tiket patungong semifinals.

Ito ang unang malalim na pag-abante ni Eala sa isang torneo matapos ang sunod-sunod na first-round exits sa Italian Open, French Open, at Birmingham Open nitong nakaraang buwan.

Tanging second-round appearance niya kamakailan ay sa French Open doubles kasama ang Mexican partner na si Renata Zarazua, kung saan tinalo nila sina Appleton at Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain, 7-5, 6-4.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble