DMW, pinagtibay ang labor migration policies

DMW, pinagtibay ang labor migration policies

Muling pinagtibay ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang paninindigan para sa makatarungan at makataong labor migration policies sa pamamagitan ng pakikilahok nito sa ika-113 Sesyon ng International Labour Conference sa Geneva Switzerlan.

Kasama sa mga dumalo sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma, DMW Undersecretary Jainal T. Raul Jr., Labor Undersecretary Benedicto Ernesto R. Bitonio, Undersecretary Rasul, DMW Director Geraldine C. Mendez, MWO-Geneva Officer-in-Charge Lovellie Ann Amores, Administrative Officer Khaasie Gapuzan, at ang incoming Labor Attaché to Geneva, Jesus Vicente H. Magsaysay II.

Nilahukan ng DMW ang iba’t ibang committee meetings, kabilang na ang Standard-Setting Committee on Decent Work in the Platform Economy.

Pinagtibay dito ang pangako ng Pilipinas na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipinong migranteng manggagawa.

Layunin nito na mapalakas ang mga cooperation frameworks, isulong ang shared protection goals, at tugunan ang mga isyung kinahaharap ng mga OFW.

Samantala, nakipagpulong din ang DMW sa mga bilateral at multilateral partners upang palawakin pa ang ugnayan sa mga bansang gaya ng Qatar, Oman, Jordan, Kuwait, Papua New Guinea, Lithuania, at iba pang miyembro ng International Organization for Migration.

Tiniyak ng DMW na nananatiling pangunahing prayoridad ng ahensya ang proteksyon at kapakanan ng mga Pilipinong migranteng manggagawa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble