Pagbebenta ng soft drinks, junk foods ipinagbabawal pa rin sa mga paaralan—DepEd

Pagbebenta ng soft drinks, junk foods ipinagbabawal pa rin sa mga paaralan—DepEd

IPINAGBABAWAL pa rin ang pagbebenta ng soft drinks at junk foods sa mga paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepEd), mas mabuti na palaging available sa mga canteen ng paaralan ang mga gatas na walang asukal, katas ng buko na walang asukal, tubig, kanin, manok, karne na walang taba, isda, at sariwang prutas.

Ang mga school-based feeding program ay dapat mas palakasin din para maisulong ang pagkakaroon ng mas malusog na mga mag-aaral.

Maliban sa soft drinks at junk foods, ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga school canteen ng sports water, mga produktong may caffeine, ice cream, donuts, cakes, french fries, instant noodles, de lata, at de latang prutas na nakababad sa matamis na syrup.

Ang pagbabawal na ito ay nakabatay sa DepEd Order No. 13 na inilabas noon ng dating kalihim na si Leonor Briones.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble