PAPAYAGAN ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyante na gumamit ng cellphone sa mga silid-aralan tuwing class hours.
Ito’y basta’t may kaugnayan sa kanilang pag-aaral ayon sa ahensiya.
Sa kasalukuyan ay mayroong umiiral na batas na hindi maaaring gumamit ng gadget ang isang estudyante habang nagkaklase.
Ngunit kung matatandaan, ang gadgets ay naging mahalagang kasangkapan ng mga mag-aaral noong panahon ng pandemya.