6 senatorial candidates bigo makapaghain ng SOCE—COMELEC

6 senatorial candidates bigo makapaghain ng SOCE—COMELEC

BIGO ang anim sa 66 senatorial candidates noong May 2025 midterm elections na makapaghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), wala sa listahan sa mga nakapag-sumite sina Wilson Amad; Roy Cabonegro ng Democratic Party of the Philippines; Teddy Casino at Mody Floranda ng Makabayan Coalition; Wilbert Lee ng Aksyon Demokratiko; at Michael Tapada ng Partido Maharlika.

Sa pahayag ng poll body, padadalhan ang mga ito ng liham mula sa Political Finance and Affairs Department ng COMELEC upang makapagpaliwanag.

Sa deadline ng paghahain ng SOCE noong Hunyo 11, 2025, 60 sa 66 na mga kandidato sa pagkasenador ang nakapag-comply.

141 naman sa 155 na party-list groups at 25-28 sa mga national political parties ang nakapaghain ng SOCE.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble