Belgica, naisip ring umatras kasunod ng pagbawi ni PRRD sa kanyang kandidatura

Belgica, naisip ring umatras kasunod ng pagbawi ni PRRD sa kanyang kandidatura

INAMIN ni senatorial aspirant Greco Belgica na nag-alangan ring itong tumakbo sa susunod na eleksyon matapos umatras sa senatorial race si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon, December 14, binawi ng punong ehekutibo ang kanyang kandidatura para sa 2022 elections.

Ani Belgica, ikinagulat nila ang naging desisyon ng pangulo.

“It was a surprise especially President Rodrigo Duterte,” aniya.

Dahil dito, saad ni Belgica, nagdalawang isip siya na ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo sa susunod na halalan. Ngunit napagtanto niya ang hangarin ng taumbayan na may magtaguyod sa mga nagawa na ng pangulo.

“I was supposed to file my withdrawal for candidacy dahil sa pagkaka-withdraw ng pangulo at ni Senator Bong Go sa partido namin,” pag-amin niya.

“(But) hearing and seeing the supporters na parang mangungulila and realizing na lalong kailangan nila ng liderato na magpapatuloy ng proyekto at programa ni pangulong Duterte, kaya we decided to pursue with our candidacy,” dagdag ni Belgica.

Hindi rin aniya kayang iwanan ang sambayanang pilipino na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Mananatili namang buo ani Belgica ang kanilang suporta para sa pangulo at kay Senator Bong Go na umtras rin kamakailan.

“We know they have a reason and we respect it, we still love them and our support for them is complete pa rin, 100%. Kung sino man ang kanilang i-eendorso, yun ang aming susuportahan,” giit niya.

Nanawagan naman ito sa publiko na magsama-sama muli at suportahan rin ang pipiliing kandidato ni Duterte.

Matatandaang nasa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sina pangulong Duterte, senator Go at Belgica.

SMNI NEWS