NGAYONG panahon ng tag-ulan, pinag-iingat ngayon ang publiko at mga magulang sa mga sakit na maaaring makuha ng kanilang mga anak.
Sa panayam ng SMNI News kay Dr. Erwin Benedicto kaninang umaga sa programang Pulso ng Bayan, sinabi nito na dapat mag-ingat ang publiko, lalo na ang mga magulang na may mga anak na mahilig maglaro sa maruming tubig at maligo sa baha ngayong panahon ng tag-ulan.
Posible raw kasing makuha ang sakit na diarrhea, typhoid fever, at cholera na maaaring dumapo sa mga kabataan.
‘’Well dahil tag-ulan ngayon kailangang maging aware tayo dahil uso na naman yung sakit …naiinum natin or nagiging contact tayo sa mga tubig na ito,’’ ayon kay Dr. Erwin Benedicto College of Medicine, University of Perpetual Help Dalta.
Ani Benedicto, personal niyang ipinagbabawal ang maligo sa tubig ulan dahil maaaring kontaminado na ito ng bacteria na nagdadala ng sakit sa ating katawan, lalo na sa mga batang may edad limang taong gulang pababa. Dahil sa critical period of growth ng kanilang paglaki, mabilis silang madapuan ng impeksyon.
‘’Tama because this children that has a high risk growth na madaling madapuan ng impeksyon thats ang alwyas focus natin sa department of health or sa ating lipunan is to proctect our children who are 5 years old and below because this are the critical period of growth ito yung period na kung saan mabilis madapuan ng impeksyon ang mga bata,’’ saad ni Dr. Erwin Benedicto.
Kaya payo ni Dr. Benedicto, mamili ng tamang lugar na maliliguan – kailangan daw itong regular na malinisan ng mga lokal na pamahalaan para maagapan ang pagkakaroon ng sakit.