Suplay ng tubig sa mahigit 800 pampublikong paaralan tinaiyak ng Manila Water

Suplay ng tubig sa mahigit 800 pampublikong paaralan tinaiyak ng Manila Water

TINIYAK ng Manila Water na makapagbibigay sila ng sapat na suplay ng tubig para sa mahigit 800 na mga pampublikong paaralan ng elementary at high school.

Partikular na ang mga lugar na nasa loob ng kanilang East Zone Concession Area at sa Non-East Zone Operations.

Ayon sa Manila Water, pagpapakita nila ito ng suporta sa Oplan Balik-Eskwela 2025 ng Department of Education (DepEd).

Bahagi na rin ito ng pangako nila na lumikha ng ligtas, malusog at angkop na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga estudyanteng Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble