INANUNSIYO ng Department of Agriculture (DA) na magsisimula na sa Agosto ang pagpapatupad ng labeling sa mga binebentang karne ng baboy.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin nitong malinaw na maipakita kung ang baboy ay local o imported.
Aniya, may karapatan din ang buyers na malaman kung saan galing ang binibili nila.
Kasabay rito, nagbabala ang kalihim laban sa profiteering o pagbebenta ng imported pork na pinalalabas na lokal para mai-presyo ng mas mahal.