NAGHAHANAP ngayon ng bagong Paul McCartney ang The Bootleg Beatles.
Kasunod ito sa pagreretiro ng bassist nila na si Steve White bilang si McCartney mula sa pagiging full-time na miyembro ng banda.
Ang kasalukuyang lineup ng banda ay binubuo na lang nina Stephen Hill bilang George Harrison; Gordon Elsmore bilang Ringo Starr; at Paul Canning bilang John Lennon.
Ang The Bootleg Beatles ay isang tribute band ng sikat na English rock band na The Beatles.